Wednesday, September 29, 2010

Malungkot ang Mag-Isa. Kunwari.

Ayoko na muna mag-English. Naubos ang English ko dun sa oral exam kahapon at nung isang linggo, pag kinakabahan kasi ako super bilis ko magsalita as if gusto kong magsalita ng eight words all the same time, kaya ang weird pakinggan and in the end muka akong tanga. In fairness kailangan naman kasi talagang bilisan magsalita, bigyan ka ba naman ng fifteen minutes na mag-isip ng differentials ng isang pasyenteng natagpuang walang malay sa kwarto at walang informant. Wala masyadong ibang clue, basta asul daw ang labi nya at call center agent sya at mahilig sya mag-gym. Easier na rin in a way for that station, pwede kasi sabihin ang anything under the sun. Lahat na lang sinisi-- HOCM, embo, hika, some HIV condition, basta lahat ng pwedeng makamatay. Syempre dapat may differential na toxic poisoning, and in real life ipapa-bedside tox screen ko naman talaga sya, tox screen being... test for overdose of paracetamol and isoniazid AHAHAHAHHAHAHAHAHAH.

In pure bilis ko magsalita hinihingal ako bago lumipat ng station, pero hindi pala applicable ang bilisan ng pagsasalita dun sa isang station dahil wala naman talaga na akong maisip na differential sa lupus. Gusto nga daw sabihin nung isang senior namin na nag-exam din: I don't have a diffential because lupus IS the diagnosis! AHAHAHAHAH. Pero syempre thought bubble lang yun, dahil pag wala silang chinekan dun sa checklist of differentials, panel exam ka next month. Sa sobrang wala na akong maisip na ibang sakit na may rash sa muka at lagnat ay sinabi ko na lang na pwede itong... tigdas. Naaalala ko kasi yung Microbiology Made Ridiculously Simple na book, na ang rash ng tigdas ay parang lata ng pinturang binuhos sa yo hence sa ulo unang lalabas, pero di ko naman alam kung totoo ito, lahat kasi ng nanay ng batang may tigdas na nakita ko nung nagmoo-moonlight pa ko walang pakialam kung saan nagsimula ang rash.

Syempre pagkatapos ng exam may kainan galore, and pagkatapos, sleeping galore sa callroom, and pagkatapos, dinner galore naman pero di ako nakasama dahil duty ako sa ICU. Super annoying dahil naiwan akong mag-isa sa callroom, as in ako lang mag-isa. Si Lloydie rin pala naiwan pero nagrounds sya ng limang oras yata sa ER kaya ako lang talaga halos sa callroom. Masaya pala maiwan mag-isa, kung anu-ano ang pwede kong gawin. AS IN kung anu-ano AHAHAHAHAHA.

2 comments:

Walking on Water said...

anong kababalaghan ang ginawa mo?
pagkatapos ng orals, kelangan ng release. as in catharsis. release.
hehehe

will said...

ma'am jean, the next day after they found out na ako lang ang mag-isa sa callroom that night ay may nag-ask na batchmate kung pwede ba raw papalitan na ang bed sheets. Masama na siguro talaga ang reputasyon ko ahahahah